Saturday, May 11, 2024

10 BIFF sa Maguindanao sumuko sa militar

- Advertisement -

Hawak na ng militar ang isang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sub-commander at siyam nitong kasamahan sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Kinilala ng 6th infantry division ng Philippine Army ang mga sumukong BIFF member sa pangunguna ni Commander Gani Saligan ng 4th brigade sa ilalim ng 2nd division at ang mga kasama nitong sina Rafael Asim;

Ksain Bantilan, Alex Datungan, Aladin Saligan, Longs Bantilan, Elmer Mangatog, Alan Saligan, Muhammid Maslamama at Kanaw Maslamama.

Ayon kay Maj. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng 6th infantry division ng army, isinuko rin ng mga bandido ang matataas na uri ng armas tulad ng caliber 50 at M14 rifles at caliber 45 pistol gayundin ang iba’t ibang bala.

Batay anya sa salaysay ng mga sumukong bandido, nais na nilang mamuhay ng tahimik kasama ang kanilang pamilya lalo’t binigo rin sila ng mga nakatataas nilang pinuno.

Bibigyan naman ang mga ito ng 10,000 piso na cash assistance mula sa local government at  tulong pangkabuhayan mula naman sa national government.

(with report from Jaymark Dagala)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -