Bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa Kongreso pumalo na sa 69

0
15

Isa na namang empleyado ng House of Representatives ang dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahilan upang umakyat na sa 69 ang bilang ng mga nagpositibo sa virus sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay House Secretary-General Jose Luis Montales, ang pinakahuling tinamaan ng coronavirus ay isang babaeng congressional staffer na huling pumasok sa trabaho noong Setyembre 2.

Sinabi ni Montales na nagsasagawa na ngayon ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng naturang empleyado