Radio Philippines Network
Headlines National News

Bilang ng krimen sa NCR bumaba — NCRPO

Bumaba ng 6.12% ang bilang ng krimen sa National Capital Region (NCR) nitong 2019.

Ayon kay NCRPO Acting Chief Brig. General Debold Sinas, umaabot sa mahigit 48,000 mga krimen ang naitala noong nakaraang taon.

Mas mababa aniya ito sa naitalang mahigit 51,000 krimen noong 2018.

Sinabi ni Sinas, partikular na naitala ang 7.55% pagbaba sa mga index crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, robbery, rape, theft at carjacking.

Habang 5.59% naman ang naging pagbaba sa mga non-index crimes o mga paglabag sa mga local ordinance at mga aksidente sa sasakyan.

Related posts

ABS-CBN hinimok ang Korte Suprema na maglabas na ng TRO kontra sa inilabas na kautusan na CDO ng NTC

Powered by DWIZ

Bagyo sa labas ng PAR bahagya pang lumakas

Powered by DWIZ

43 alkalde pinagpapaliwanag ng DILG sa ‘di maayos na pamamahagi ng SAP

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More