Monday, May 13, 2024

Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nanganganib dumoble — UP Prof

- Advertisement -

Nanganganib na madoble ang bilang ng kaso at bilang ng mga nasawi sa COVID-19 hanggang June 15 kung magpapatupad ng pre mature relaxation ng enhanced community quarantine (ECQ) ang pamahalaan.

Batay ito sa pag-aaral na isinagawa ng University of the Philippines sa pamamagitan nina Professors Guido David Ranjit at Ma. Patricia Agbulos.

Batay sa pag-aaral sa Metro Manila pa lamang ay maaaring umabot sa 24,000 ang COVID cases at lumobo sa 1,700 ang masawi hanggang June 15 kung mapapaaga ang pagpapaluwag sa ECQ.

Maliban sa Metro Manila, tinukoy rin sa pag-aaral ang Cebu, Batangas, Zamboanga Del Sur at Davao City sa mga lugar na hindi pa nakikitaan ng pagbaba ng bilang ng kaso.

May nakikita rin umano silang 1,000 unvalidated cases ng COVID-19 bagamat hindi sila nakakatiyak kung ang mga ito ay nasa Metro Manila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -