Saturday, May 18, 2024

Bilang ng darating na mga pasahero sa NAIA posibleng umabot sa 2-M

- Advertisement -

Inaasahang aabot sa mahigit 2 million overseas Filipino worker (OFW), balikbayan at foreign tourist ang daragsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong holiday season.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, pinagbabawalan na nila ang mga airport employee na mag-leave ngayong panahon.

Muling inabisuhan ni Monreal ang mga pasahero na magbaon ng mahabang pasensya at agahan ang pagpunta sa paliparan o tatlong oras bago ang international flight at dalawang oras bago ang domestic flight.

Samantala, umabot na sa 2.5 million ang pasahero sa Clark International Airport sa Pampanga noong Miyerkules.

Ito na ang pinaka-mataas na passenger arrival at departure sa Clark sa nakalipas na 23 taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -