Bicam report sa panukalang palawigin ang maternity leave niratipikahan na ng Senado

0
48

Niratipikahan na ng Senado ang report ng bicameral conference committee hinggil sa panukalang batas na naglalayong palawigin ang maternity leave.

Sa aprubadong bicameral committee report, inalis na ang probisyong nagsasaad na hindi masasakop ng income tax ang mga makukuhang leave benefits ng mga kapapanganak pa lamang.

Oras na malagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte, bibigyan na ng 105 na araw na maternity leave with pay ang mga bagong panganak na nagtatrabahong mga nanay.

Nakasaad din dito ang option ng mga ina na ilipat sa kanilang asawa ang pitong araw ng kanilang leave habang 120 araw na maternity leave with pay naman ang maaaring magamait ng mga single mother.

Tinanggal din sa panukala ang limitasyon na apat na beses lamang na pagbubuntis ang maaaring masakop ng benepisyo.