BFP-Baguio pinaalalahanan ang publiko ng responsableng pagtatapon ng upos ng sigarilyo at pagsusunog ng basura kung saan-saan

    0
    24

    Baguio City – Ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at mga boluntaryong mamamayan ng lungsod ng Baguio ang nagtulong tulong upang maapula ang sunog sa kagubatan ng Sto. Tomas kamakailan lamang ang mga apektadong lugar ay patuloy pa rin na kinikila ng mga autoridad.

    Samantala, para sa buwan ng Enero ngayong taon, limang structural fire incidents ang tinugon ng Bureau of Fire Protection Baguio.

    Noong nakaraang taon, may kabuang 28 insidente ng sunog ang nangyari mula Enero hanggang Marso, ayon kay Fire Supt. Marisol Odiver. Karamihan dito ay mga sunog sa kagubatan sinundan ito ng structural fires at vehicular fires.

    Sa mga nakaraang taon, napagtanto ng BFP na karamihan sa mga insidente ng sunog ay nagmula sa tao tulad ng pagsusunog ng basura at sinindihang sigarilyo na nagpapadingas ng damo at mga sunog sa kagubatan at nagiging sanhi na rin ng structural fire kung hindi ito nababantayan.

    Samantala, nanawagan si BFP Fire superintendent Odiver sa publiko na maari silang makatulong sa pag iwas ng insidente ng sunog sa pamamagitan ng paniniguro o tiyakin na ang kanilang tangke ng gas ay nakasarado maging ng nasindihang kandila ay napatay na bago iwanan ang kanilang tahanan.

    Sinabihan din niya ang publiko na iwasan ang tinatawag na octopus’ electrical connections sa kanilang tahanan upang maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari na maaring pagsimulan ng insidente ng sunog. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of BFP-Baguio City file)

    Leave a Reply