BENECO nagselebrar ng ika-limangpung taong bilang taga pailaw ng Baguio at Benguet

0
6

Baguio City – Narating na ng BENECO ang kanilang ika limangpung taon pagsiserbisyo ng kanilang frankisa sa Baguio City at Benguet province. Maski sa dami ng kanilang nadaanan tuloy pa rin ang kanilang serbisyo sa bayan.

Hindi mawawalan ng trabaho ang mga meter reader o alin man sa mga empleado nito kung sakaling lumipat ang Beneco sa digitization. Ito ang tiniyak ni ginoong Melchor S. Licoben sa isang panayam sa Kapihan sa Baguio, sa Dumol hall ng Beneco sa punong tanggapan nito sa South drive dito sa lungsod ng Baguio.

Sinabi ni Licoben na hahanap sila ng paraan upang mabigyan sila ng ibang trabaho sa loob ng Beneco. Anya ang Beneco ang kaunaunahang electric cooperative sa ating bansa na yumakap sa tinatawag digitalization o ang tinatawag na artificial intelligence.

Sinabi ni Licoben na ito ay bilang paghahanda ng naturang kooperatiba na lalo pa nilang mapaganda ang kanilang serbisyo sa mga nasasakupan nito. Sa paggugunita ng Benguet Electric Cooperative ang kanilang ika 50 taon ng pagkakatatag bilang isang Electric Cooperative dito sa probinsiya ng Benguet. (Joel Cervante | Jimmy Bernabe, photo courtesy of BENECO)

Leave a Reply