35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Bello posibleng magbitiw para tumakbo sa 2019 elections—Duterte

- Advertisement -

Posibleng magbitiw sa puwesto si Labor Secretary Silvestre Bello III sa susunod na buwan.

Ayon mismo ito kay Pangulong Rodrigo Duterte para aniya sa planong pagtakbo ni Bello sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

Sa maikling press briefing bago tumulak ng Israel, nabanggit ni Pangulong Duterte ang pangalan ni Bello nang hingan ito ng komento hinggil sa mga panawagan ng pagbibitiw sa puwesto ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya kailangan pang sibakin sa puwesto si Bello dahil magbibitiw na aniya ito ngayong Setyembre o Oktubre para maghain ng kandidatura sa pagka-senador.

Una nang itinanggi ni Bello ang ulat na tatakbo ito para sa isang national position.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -