Asawa ng bise alkalde ng Clarin Bohol patay sa pamamaril

0
54

Patay matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin ang asawa ni Clarin, Bohol Vice Mayor Velden Aparicio.

Kinilala ang biktimang si Ricardo Loquias Aparicio, 44-anyos, residente ng barangay Poblacion Norte habang sugatan ang kanyang kaanak na si Roel Aparicio, 36-anyos.

Ayon sa Clarin Municipal Police Station, dakong ala-5:00 kahapon nang pagbabarilin sina Aparacio habang nag-uusap sa 4Js Inland Resort sa barangay Bacani kung saan empleyado si Roel.

Isinugod pa si Ricardo sa Clarin Community Hospital subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Narekober naman sa crime scene ang walong basyo ng kalibre .45 baril.

Illegal gambling at pulitika ang nakikitang motibo ng pulisya sa pagpaslang dahil pinaniniwalaang tatakbo sa pagka-alkalde si Ricardo sa May 2019 elections.

—-