Bayanihan ipinanawagan ni Go sa gitna ng krisis dahil sa COVID-19

0
24

Nananawagan ng bayanihan si Senador Christopher “Bong” Go sa bawat Pilipino sa harap ng krisis na nararanasan sa bansa dahil sa COVID-19.

Hinihikayat ng senador ang publiko na tulungan ang mga mangangailangan.

Aniya, mahalagang matiyak na ang mga tulong ay nakakarating sa totoong nangangailangan lalo na’t mas lumalakas ang panawagan ng mga pribadong sektor na magdonate ng medical supplies, personal protective equipments (PPEs) at relief goods.

Iginiit ni Go na hindi importante ang pagbigay kilala sa mga maghahatid ng tulong dahil mas importante aniya ang pagtutulungan na maresolba ang krisis.

Samantala, ipinabatid naman ng senador na bukas ang kanyang opisina upang magsilbing tulay sa mga pribadong kumpanya o indibidwal na nais magbigay ng ayuda sa mga nangangailangan.