Batas ukol sa lifetime mobile number lusot na sa bicam

0
61

Aprubado na sa Bicameral Conference Committee ang Mobile Number Portability Act o batas na naglalayong magkaroon ng lifetime o iisang cellphone number ang bawat subscriber.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, ang may-akda ng panukala, pinakamahalagang feature nito ay ang hindi na kakailanganin pang magpalit ng cellphone number ng mga konsyumer o subscribers na nais lumipat sa third telco.

Dahil dito, sakaling magbaba ng presyo at magbigay ng mas magandang serbisyo ang third telco hindi na mahihirapang lumipat ang mga subscriber.

Sinabi ni Gatchalian, hindi na magiging abala pa sa subscriber ang pagti-text sa lahat ng nasa kanyang contacts para ipagbigay-alam ang bago niyang number.

Pagtitiyak ni Gatchalian, malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukalang batas bago matapos ang taon habang bibigyan naman ng anim na buwan ang National Telecommunications Commission (NTC) para bumuo ng implementing rules and regulation.

—-