Batanes natatanging lalawigan na nananatiling COVID-19-free

0
9

Nananatiling coronavirus disease 2019 (COVID-19)-free ang lalawigan ng Batanes.

Ang Batanes ang natatanging lalawigan sa bansa na wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 kaya’t normal ang pamumuhay ng mga residente nito.

Ang mga residente ay malayang nakalalabas ng kanilang mga bahay ng walang suot na face mask.

Una nang ipinagmalaki ng provincial government ng Batanes na naging maagap sila sa pagsasara ng lahat ng entry at exit points ng probinsya para matiyak na ligtas ang mga residente at hindi makapasok ang virus.