Batanes naghahanda na sa mga pag-ulang dala ng bagyong Ineng

0
34

Pinayuhan na ng Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mga residente sa lalawigan na maging handa sa posibilidad ng pag-likas anumang oras.

Ito ay matapos itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Wind Signal No. 2 sa buong lalawigan ng Batanes at sa Babuyan Group of Island bunsod ng Bagyong Ineng.

Ayon kay Roldan Rsdicul ng Batanes PDRRMO, hindi pa tuluyang naka-babangon ang lalawigan matapos yanigin ng kambal na lindol ang lalawigan sa pagtama ng magnitude 5.4 at 5.5 na lindol.

Dahil dito, hindi aniya magiging kampante ang mga otoridad at mananatili silang nakamonitor dahil sa inaasahang malalakas na pag-ulan sa mga susunod na oras.

Sa ngayon, tiniyak rin naman ni Esdicul na maayos ang kanilang komunikasyon, at nasa normal rin naman ang suplay ng kuryente.