40 BOC personnels na-food poison

0
42

Aabot sa 40 tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isinugod sa ospital dahil sa food poisoning.

Ayon kay Customs Assistant Commissioner Philip Maronilla, nagpakita ng sintomas ng pagkakalason ang 40 customs police trainees matapos nitong makakain ng beef ampalaya na binili sa labas ng tanggapan ng BOC.

Nabatid na nasa kabuuang 87 trainees ang isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Center ngunit 40 lamang dito ang kinakitaan ng sintomas ng food poisoning.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Maronilla na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa pangyayari.