31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Banta ni Pangulong Duterte sa mga telcos posibleng magresulta sa pagkawala ng foreign investments sa bansa

- Advertisement -

Nanganganib na mawalan ng foreign investments ang Pilipinas at trade opportunities.

Ito ang babala ng mga major stakeholders kapag nagpatuloy pa anila ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na “take over” o pagpapasara  sa mga negosyo partikular na sa dalawang telco giants sa bansa.

Ayon kay Amcham Senior Adviser John Forbes,  maaaring magresulta ang banta ng Pangulo ng pagkawala ng kinakailangang foreign investments at opportunities sa bansa.

Ani Forbes, posible kasi itong maituring ng mga dayuhang negosyante na “investment risk” na maging dahilan ng kanilang pagdadalawang isip na maglagak ng negosyo sa bansa.

Magugunitang binalaan ni Pangulong Duterte ang dalawang telco giants sa bansa na ite-take over ito kapag hindi napaganda ng mga ito ang kanilang serbisyo hanggang Disyembre.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -