Balik biyahe ng PNR Caloocan-Makati route bahagyang nagkaaberya

0
48

Bahagyang naantala ang biyahe ng tren ng Philippine National Railways o PNR Sa unang araw nang muling pagbubukas ng rutang Caloocan-Makati, kahapon.

Ito’y bunsod ng ilang minuto paghinto ng tren dahil sa pagsasaayos ng switch ng riles sa Solis Station sa Tondo, Maynila.

Dahil dito, ang mahigit kalahating oras na estimated travel time ng tren mula 10th Avenue Station sa Caloocan hanggang Dela Rosa Station sa Makati ay inabot ng isa’t kalahating oras.

Ayon sa PNR, naging malaking hamon din sa biyahe ang mga residente maging ang ilang sasakyan sa tabi ng riles na dalawang dekadang hindi naranasan ang pagdaan ng tren mula Caloocan hanggang Makati.

Dose pesos (P12) ang pasahe para sa non-airconditioned habang kinse pesos (P15) sa air-conditioned train ng nabanggit na ruta na inaasahang aabot sa sampung libong (10,000) pasahero ang maseserbisyuhan kada araw bilang bahagi ng pilot test.

—-