Isang bahay sa Barangay Katuparan sa Taguig City ang isinailalim sa localized quarantine simula ngayong araw na ito.
Ayon sa Safe City Task Force, sakop ng localized quarantine ang isang home address lamang kung saan 20 residente rito ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inirekomenda ng task force ang agarang lockdown sa nasabing bahay para hindi na magkahawahan pa sa lugar.
Tatanggap naman ng social at economic support mula sa lokal na pamahalaan ang mga apektadong residente.