Bahay sa Baguio City natabunan dahil sa lakas ng ulan

0
11

Baguio City – Dalawang bahagyang nasirang mga bahay matapos matabunan dahil sa bumagsak na riprap sa Dominican Hill, lungsod ng Baguio noong Miercules ng gabi. Ang bahagyang nasirang bahay ay pag -aari ni Joey Garcia Vera at Purificacion Clemente Banania.

Ayon sa ulat ng pulisya, mag aalas dose ng hating gabi noong mangyari ang nasabing insidente habang natutulog ang mga naninirahan na pamilya roon.  Wala namang napa-ulat nasugutang tao sa nasabing insidente. Ngunit may isang aso at labing anim na mga manok ang natabunan.

Sa kasalukuyan ay hindi alam kung magkano ang nasirang mga ari arian kasama na ang dalawang bahay.  Pansamantalang naninirahan ang mga apektadong pamilya sa mga kamag anakan at kapit bahay ng mga ito.

Samantala, sinabi ng isang enhinhero na ang gumuho na riprap ay nakahandang ipatrabaho at tutulong sa mga apektadong pamilya. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio Public Information office)

Leave a Reply