Bagyong Samuel nakalabas na ng PAR kagabi

0
51

Nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Samuel, ala sais kagabi.

Batay sa datos ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Samuel ala siete kagabi sa layong 470 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Puerto Prinsesa, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong pa-kanluran at tinutumbok ang Southern Vietnam.

Sa ngayon, wala nang epekto sa buong bansa ang bagyong Samuel.

Samantala, patuloy namang binabantayan ng pagasa ang bagyong may international name na Man-Yi na nasa labas pa ng bansa.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 1,525 kilometro silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugso ng hanging aabot sa 145 kilometro kada oras.

Kumikilos naman ito sa direksyong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 45 kilometro kada oras.

Inaasahang papasok na ito sa PAR ngayong linggo at tatawaging Tomas.