Friday, May 3, 2024

Bagyong ‘Nimfa’ bahagyang lumakas, bumilis

- Advertisement -

Bahagyang lumakas at bumilis ang Tropical Storm ‘Nimfa’ habang muli na namang magdadala ng pag-ulan ang southwest moonsoon o hanging habagat sa bansa.

Huling namataan ng PAGASA ang Bagyong ‘Nimfa’ sa layong 580 kilometers silangan, hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour (kph).

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kph mula sa dati nitong 65 kph at pagbugsong aabot naman sa 90 kph na dati’y nasa 80 kph lamang.

Gayunman, hindi na inaasahang magdadala ng pag-ulan ang buntot ng Bagyong ‘Nimfa’ sa bansa subalit ang habagat naman ang magpapa-ulan sa ilang lugar sa bansa.

Inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulang dala ng habagat ang mga sumusunod na lugar:

  • Calabarzon
  • Marinduque
  • Occidental Mindoro
  • Oriental Mindoro
  • Romblon

Paminsan-minsang pag-ulan naman ang mararanasan sa:

  • Metro Manila
  • Central Luzon

Kalat-kalat na pag-ulan naman na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Samantala, manatili namang naka-alerto ang mga residente ng Luzon dahil sa posibleng maranasang flashfloods at landslides bunsod ng maaaring maranasang malakas na buhos ng ulan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img