30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Bagyong Gardo inaasahang lalabas ng PAR mamayang gabi

- Advertisement -

Bahagyang humina ang Bagyong Gardo at bumilis habang kumikilos kanluran hilagang kanluran .

Huling namataan ang bagyo sa layong 860 kilometro silangan hilagang silangan ng Basco Batanes .

Taglay nito ang hanging aabot sa 185 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 225 kilometro kada oras.

Inaasahan mamayang gabi ang paglabas ng bagyo sa teritoryo ng Pilipinas.

Samantala, naglabas ng rainfall warning advisory ang PAGASA kaninang alas 12:30 ng madaling araw.

Itinaas ang yellow rainfall warning alert sa Zambales.

Nakakaranas naman ng mahina hanggang sa katamtaman at minsan ay malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila, Batangas, Cavite, Rizal, Bulacan at Nueva Ecija.

Ayon sa PAGASA posible umanong tumagal ang ganitong lagay ng panahon sa loob ng tatlong oras

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -