Bagyong Falcon nag-iwan ng 4 kataong patay

0
48

Nag-iwan ng apat (4) na patay ang bagyong Falcon na nakalabas na ng bansa Huwebes ng hapon.

Ayon kay Rogelio Sending Jr., acting provincial information officer, pawang nalunod ang mga biktima mula sa dalawang lalawigan sa Northern at Central Luzon.

Kinilala ang mga biktima na sina Judith berbano; 43, Carlos Zedong 45, Marisol Yeke; 21 at Alison Testimio; 20.