Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet – 13 na katao ang ang nahuli ng mga may kapangyarihan habang 65 munisipyo sa rehion ang nakapagtala ng walang krimen sa nakaraang linggo.Ito ay sa panahon na nagmula noong Pebrero a 25 hanggang Marso a 2, 2024.
Ayon sa Regional Investigation and Detective Management Division, ang Benguet Police Provincial Office (PPO) ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nearesto na limang pinaghahanap na katao sa bilang na lima, sinundan ito ng Kalinga Police Provincial Office na tatlong nahuli, sumunod dito ang Baguio City Police Office (BCPO) at Mountain Province na may tag dalawang nahuli at ang Abra na may isang huli.
Sa mga nahuli, isa sa kanila ang nakalista bilang, Most Wanted Person sa Municipal at Provincial Level.
Samantala, dahil sa pinaigting na presensia ng kapulisan, ang 65 munisipyo sa iba’t ibang probinsiya ng rehion Cordillera at dalawang police substations sa lungsod ng Baguio ang nakapagtala ng walang krimen.
Ayon sa PRO Cordillera nakapagtala rin sila ng walang kaso ng krimen sa mga naturang lugar sa pareho ding panahon. Naitala rin na walang krimen naganap sa mga 24 na munisipyo sa Abra, 5 sa munisipyo ng Apayao, 11 munisipyo ng Benguet, lima sa mga munisipyo ng Kalinga, siyam na munisipyo ng Mountain Province, at 11 munisipyo ng Ifugao.
Bilang karagdagan sa lungsod ng Baguio, Ang BCPO police substation 8 sa Kennon Road at BCPO substation 10 ng Marcos Highway ay nakapagtala din ng walang krimen sa lahat ng sampung BCPO substations sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)
