28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Baguio: Update sa Firework-related Injuries sa Cordillera

- Advertisement -

Nakapagtala ang Department of Health-Cordillera ng fireworks-related injuries sa Rehiyon ng Cordillera mula sa panahon ng Kapaskuhan at pagsasaya sa Bagong taon.

As of January 1, 2024, sinabi ng DOH-Car ang mga fireworks-related injury cases ay naitala mula sa Kalinga na may walong kaso, Lungsod ng Baguio na may anim na kaso at ang Abra na may isang kaso. Ayon sa DOH-CAR, karamihan sa mga paputok na ginamit ay pawang illegal tulad ng boga at piccolo, habang ang ibang nasugatan ay gawa ng kwitis, whistle bombs, lusis, at 16-shot fireworks.

Isang kaso naman ng ligaw na bala ang naiulat sa Lungsod ng Baguio. At may 12 ang naputukan sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan, kasama ang kanilang ulo, leeg, dibdib, braso at daliri, hita, binti at likod na bahagi ng kanilang katawan. Wala namang napaulat na naputulan, o nakalunok o namatay dahil sa paputok.

Ang pinakabatang naging biktima ay limang taong gulang, habang ang pinakamatanda ay 53 na taong gulang.

Ang mga fireworks-related injuries sa taong ito ay 37% mababa kaysa sa parehong panahon noong nakaraang taon na may 24 na mga kaso.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of DOH-CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -