Baguio: Tulong pinansyal para sa may sakit ng kidney na pasyente sa Itogon, Benguet ibinigay na ng mga kandidato at kandidata ng Mr. And Ms. Tinongdan 2023

0
1

Itogon, Benguet – Ibinigay nang mga candidates ng Mr. and Ms. Tinongdan 2023 sa Itogon, Benguet ang kanilang naipon na donasyon para beneficiary nila na si Ginoong. Ricky Dalmacio, isa sa mga chronic Kidney Disease Stage 5 na pasyente.

Ayon kay Itogon SK President Vanessa Velasco, mahigit sa 21,000 piso ang kabuuan ng naibigay nila mula sa charity boxes ng naganap na pageant. Nagpasalamat ng buong puso sa pagtulong ng mga candidates at sa mga mamamayan ng Itogon sa tulong pinansyal para kay ginoong Dalmacio.

Ganon din ang pasasalamat nito sa lahat ng mga sponsors at nagbigay ng kontribusyon nila sa nasabing pageant. Sinabi nila na ang pageant ay hindi lamang para sa pagpapakita ng beauty and talent ngunit ang patotoo din ng komunidad sa pagtulong, maawain at ang pagkakaisa.

Inaasahan din na magiging inspirasyon ng lahat ang spirit of community at pagbibigayan upang matulungan ang mga nangangailang.

Ang Mr. and Ms. Tinongdan 2023 ay pinangungunahan ng SK Tinongdan sa pakikipagtulungan ng Barangay at Itogon LGU bilang bahagi ng pagdiririwang ng maika 75th anibersaryong pagkakatatag ng Itogon at ng Colos Festival. (Joel Cervantes, photo courtesy by Marie Botis)

Leave a Reply