Baguio: Tax Incentives para sa mga negosyo na mayroong Creative Space, inimungkahi ni Konsehal Yangot

0
23

Baguio City – Ipinanukala ang isang ordinansa sa Sangguniang Panlungsod na magbibigay ng 5-percent tax discount sa lahat ng negosyo dito sa lungsod ng Baguio na mayroong creative spaces.

Batay sa nasabing panukala ni Konsehal Leandro Yangot Jr., ang establisimento na mayroong creative spaces ay kinakailangan ma-akredit sa opisina ng city administrator upang makakuha ito ng insentibo.

Ipinaliwanang na ang creative space, ayon sa panukalang ordinansia, ay isang lugar o espasio na maaring gamitin ng mga artists upang magdisplay at paglalagyan ng artworks nila ganon din na magsilbing magturo sa publiko kaugnay sa kultura at sining. Magsisilbi din ito bilang lugar para sa tinatawag na creative activities.

Sinabi ni Yangot ang ganitong mga lugar ay dapat magkaroon ng creative spaces upang maging karagdagang tourist attractions kung saan maipapakita ang “wonderful culture and creativity” ng mga artists na residente ng lungsod ng Baguio.

Kaya ng ideneklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na ang lungsod ng Baguio City bilang creative city at kaunaan na lungsod sa ating bansa na mabigyan ng nasabing parangal, nararapat lamang na suportahan pa ng lokal na gobierno sa pagiging creative city sa pamamagitan ng pagkilala ng anim na growth nodes na kung saan ang mga city artists ay maari nilang idisplay, imarket at pagtaguan ng iba’t iba at kakaibang obra maestra nila.

Ang mga tinatawag na growth nodes ay kinabibilangan ng:

  1. Southbound Hub sa Dontogan Barangay na isa sa transport-oriented development and urban agriculture node;
  2. Northbound Hub ay sa Irisan Barangay ang isa pa sa mga transport-oriented development and arts and crafts node;
  3. Cordillera Gateway Hub sa Sto. Nino Barangay;
  4. Parks Hub na may interconnection network sa lahat ng mga parke dito lungsod;
  5. Eco Hub Zone sa Kennon Road na sadyang nakatuon sa ecotourism and urban agriculture;
  6. Airport Hub sa Loakan Proper na kung saan makikita bilang isang transport oriented at business incubator zone

Ang nasabing panukalang batas ay naaprobahan sa unang pagbasa at idinulog na sa Committee on Appropriations and Finance Cluster B (Taxes, Fees, and other Charges) para sa pagkakarepaso nito. (Joel Cervantes, photo courtesy of SP Baguio City file)

Leave a Reply