Sadanga, Mt. Province – Ang mga may kapangyarihan sa Sadanga, Mountain Province ay matagumpay napuksa ang may kabuang 45,000 ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng P9,000,000.00 sa kasagsagan ng operasyon na isiinagawa sa Brgy. Saclit, Sadanga, Mt. Province noong araw ng Sabado.
Ang mga ipinagbabawal na tanim ay natagpuan sa iisang lugar na may lawak na kalupuan na 1,800 metro kuwadrado. Ang lahat na tanim na Marijuana ay sinunog mismo sa naturang lugar.
Gayon pa man, walang manananim ng ipinagbabawal na pananim ang nahuli. (Rpn-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)
(Source: PRO-CAR)
