Ifugao Province – Pinarangalan ng probinsial na gobierno ng Ifugao ang tatlong kalalakihan na sila William Anudon, ang kanyang apo na si Cris Jericho Buccahan at si Jerry Inuguidan na pawang taga Asipulo dahil sa pagsuli nila ng malaking halaga ng pera.
Matatandaan nakapulot si Anudon at ang kanyang apo na si CJ ng P305,000.00 sa bahagi ng Bahag-Amduntong Road noong nakaraang Mayo ng taong ito.
Ang nasabing halaga ng pera ay kaagad nilang dinala sa Asipulo Municipal Police Station.
Samantala 685,000.00 piso ang halaga ng pera natagpuan ni Inuguidan na taga Boko, Nungawa, Asipulo, Ifugao habang naglalakbay sa bahagi ng Bahag-Amduntog Road.
Ang nasabing seremonya ng pagkilala ay ginanap sa kapitolyo ng probinsiya ng Ifugao sa Lagawe. (Joel Cervantes, photo courtesy of Ifugao PNP)
