31.9 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Baguio: Suspek sa pagpatay sa isang Vietnamese national sa Bangued, Abra pinaghahanap

- Advertisement -

Bangued, Abra – Mahigpit na paghahanap ng may kapangyarihan ang suspek sa pagpatay ng isang Vietnamese national sa San Isidro, Banguet, Abra.

Kinilala ang biktima na si Vo Tien Dung, 48-anyos, isang mangangakal mula sa Barangay Bangbangar. Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang damit.

Ayon sa report, natuklasang ng dalawang estudyante ang bangkay ng biktima sa gilid kalsada sa Barangay San Marcial, Abra noong Desyembre 31, 2022.

Unang naireport na nawawala ang biktima noong Disyembre a 28, 2022. Ayon sa attending pathologist, namatay ang biktima dahil sa natamo nitong pagsakal, sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan kasama ang hinihinalang sugat na nagmula sa pagkasaksak o pagkabaril nito.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga maykapangyarihan sa nasabing insidente. Samantala sa sinumang may impormasyon sa nasabing insidente maaring tumawag sa San Isidro Police sa numerong 09776587416 o ang 09989674316.  (Joel Cervantes, photo courtesy of PPO Abra)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -