Baguio: Suspect sa pagnakaw ng bars na ginto mula sa Lepanto Mining Consolidated Company nahuli sa Mindanao

0
20

Mankayan, Benguet – Nahuli ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng bars na ginto nagkakahalaga ng 14 milyong piso sa Mankayan, Benguet noong 2003.

Base sa ulat ng pulisya, nahuli ng mga ito sa Barangay Pantukan, Compostela Valley, Davao de Oro matapos ang siyam na taong pagtatago.

Ayon kay Cordillera Police Director Brig. Gen. David Peredo Jr., nakilala ang mga suspek na bilang sila Danny Domyong Nabulay, 43 anyos at Rimando Domyong Nabulay, 46 anyos.

Kung inyong matatandaan, pinasok ng grupo ng mga suspek at a Lepanto Consolidated Mining Company compound sa Mankayan, Benguet noong Septimyebre a 20, 2003.

Pinatay ng mga armadong suspek ang apat na guwardiya at isa sa mga inhinyero. (Joel Cervantes, photo courtesy of Lepanto mines file)

Leave a Reply