26 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Baguio: Strawberry vendors sa Baguio pinagsabihan na mapagmasid

- Advertisement -

Baguio City – Hinikayat ng pamahalaan ng Lungsod ng Baguio na maging mapagmasid lalong lalo na sa kapareho nilang nagtitinda ng fresh Strawberry na di umano ay naglalako ng bulok o sirang strawberry sa publiko.

Visit RPN DZBS Baguio

Isang pangkat mula sa City Permits and Licensing Division ng City Mayorโ€™s Office at ng Market Division ng City Treasury Office ang nagsagawa ng surprisangย  inspeksyon sa pamilihang bayan ng Lungsod upang mabatid ang katotohanan.

Ito ay isinagawa matapos na makatanggap ng ulat ang mga kinuukulan sa isang turista na di umano ay nakabili ng flesh strawberry ngunit lumalabas na bulok o sirang strawberry pala ang ilalim ng pinalagyan nito. Malungkot na inihayag ng naturang turista na fresh ang strawberry pero nahaluan ito ng mga bulok o sira na pala.

Ayon sa pinuno ng licensing division na si Ginoong Allan Abayao na wala naman silang nakitang ganon sa kanilang pag inspeksyon at ang lahat ng puwesto ay nagkokomply naman sa panuntunan ng batas at regulasyon ng Palengkeng panglungsod. Samantalang nanawagan siya sa publiko na wag paloloko sa magugulang na manininda at kaagad ireport ito sa kanilang opisina upang maaksyonan agad at maparusahan ang mga ito. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -