Baguio: Stado ng lote sa Bases Conversion and Development Authority

0
22
photo courtesy of Baguio PIO

Baguio City – Isang welcome development kay Executive Secretary Lucas Bersamin ang decision ng Kataastaasang Hukuman hingil sa alitang legal sa pagitan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ng private partner-developer Camp John Hay Development Corporation (CJHDevCo).

Sinabi ni Bersamin na ang BCDA ay makikipagkita sa mga nasasakupan nito upang planulin ang susunod na hakbang matapos ang desisyon ng kataastaasang hukuman.

Kinatigan ng Mataas na Hukuman ang arbitral ruling na dapat lisanin o umalis ang CJHDevCo ang bahagi ng John Hay Special Economic Zone na ipinaupa mula sa BCDA.

Ang SC En Banc ang nagbigay ng kahilingan na masuri ang certiorari isinampa ng BCDA na tumutuligsa sa kapasiyahan ng Court of Appeals, na binaligtan ng Regional Trial Court ang kompirmasyon ng arbitral ruling.

Tinanggihan din ng korte ang petisyon para sa certiorari naisinampa ng CJHDevCo na humahamon sa kapasyahan ng Commission on Audit para idismiss ang CJHDevCo’s money claim na nagmula sa arbitral ruling. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PNP Cordillera)

Leave a Reply