28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Baguio: Sektor na kulang pagkakataon para sa mga kababaihan binigyan pansin

- Advertisement -

Baguio City – Nananatiling ang sector ng kababaihan ay may kakulangan na magbigyan ng pagkakataon kaysa sa mga kalalakihan. Ito ay ang sektor na kinabibilangan ng politika, edukasyon, pagtaas ng suweldo, housing, imprastraktura, transportasyon, proteksyon laban sa pang-aabuso, at iba.

Ayon kay Philippine Information Agency-Cordillera Regional Director Helen Reyes Tibaldo, 18% may kahalintulad lamang sa 17 babae ang mga opisyal dito sa Cordillera. Malayong mababa ito sa 96 ang bilang ng mga lalaking opisyal sa rehiyon mula sa Congressman pababa sa posisyon ng mayor.

Sa larangan naman ng edukasyon, maraming babae ang may “degrees” at “baccalaureate” na titulo ngunit mas nakakahigit ang mga kalalakihan sa nasabing propisyon habang sa housing o pabahay ay mas marami ang solo parent na babai na walang tahanan.

Samantala, limitado at hirap na makapasok ang mga kababaihan sa sector ng imprastraktura aat transportasyon. Dahil dito, sinabi ni Tibaldo huwag mawalan ng pag asa ang mga kababaihan na ilaban nila ang kanilang karapatan na magkaroon ng patas na pagtrato ng oportunidad sa kanila.

Sinabi niya na sa pamamagitan nito ay mawawala ang gap o pagka iba ng lalaki at babae at makakamit ang tinatawag na “gender equality”. (Joel Cervantes, photo courtesy by Mika Cervantes)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -