Baguio City – Department of Agriculture – Cordillera aabot sa mahigit sa labing pitong milyong pisong halaga na pananim sinira ng bagyong Kristine sa rehion Cordillera.
Mga pitong daang magsasaka ang naapektuhan ng pagkasira ng kanilang pananim. Kasama dito ang labing apat na magsasaka ng palay habang ang 342 magsasaka ng tinatawag na high value crops.
Sa estima ng Department of Agriculture, lumalabas na ang high value crops ay nagtamo ng pinsala na nagkakahalaga ng 15.6 milyong piso. Habang sa kapalayan nagtamo ito ng pagsira na nagkakahalaga ng 1.8 milyon pisos. Karamihan sa napinsala ang mga lalawigan na nagtatanim ng palay tulad ng probinsiya ng Kalinga at Apayao.
Samantala, mahigit na Kahalating milyong piso sinira ng Bagyong Kristine damage sa distribution system ng Beneco . Hindi nakaligtas ang Benguet Electric Cooperative sa malubhang pinsala ngunit nagkakahalaga naman sa Kooperatiba ang sinira sa distribution system nito sa probinsiya ng Benguet.
As of October 28, Ang BENECO ay nakapagtala ng P593, 421.72 na pinsala sa mga imprastruktura nito sa Benguet kung ihahambing ito sa lungsod ng Baguio na mayroon lamang P17,486.60. Ito ay ayon kay Sheraine Mae Willy, System Planning and Design engineer mula sa Network Services Department ng Benguet Electric Cooperative.
Samantala, wala namang pangunahing pagkawala ng kuryente ang naramdaman sa lungsod ng Baguio sa kasagsagan ng bagyong Kristine. Karamihan, anya ay walang ilaw, mababa ang boltahe ng kuryente at iba pa ang natanggap ng kooperatiba. Nakaramdam ang mga naninirahan sa lungsod ng Baguio ng pagkawala ng kuryente ngunit ito ay panandalian lamang kasi naibabalik din kaagad sa lalong madaling panahon.
Samantala, naipaulat na limang transpormer ang napabiling sa mga nasira na nagkakahalaga ng P362, 716.06 na matatagpuan sa Baguio Gold, Itogon; Bangao, Buguias; Tinongdan, Itogon; Bayabas, Sablan at Camp 1, Tuba. Ang mga bayan sa Benguet. (RPN-Baguio, Joel Cervantes & Jim Bernabe)
(Source: DA-CAR)
