Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Muli naman nakadiskubre at nanira ang kapulisan ng Benguet Police Provincial Office (PPO) ng PhP170,000.00 halaga ng tanim na marijuana plants sa magkahiwalay na operasyon sa pagsugpo ng tanim na marijuana na isinagawa sa munisipyo ng Kibungan at Bakun noong Sabado.
Ang pinagsanib ng grupo ng may kapangyarihan ay humantong sa pagkakasamsam ng 850 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP170,000.00 sa Sitio Asob, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet at Sitio Patakan, Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet.
Ang lahat na tanim na Marijuana ay binunot at sinunog mismo sa naturang site habang ang ilan ay dinala sa Regional Forensic Unit-CAR upang masuri.
Samantala, ang mga maykapangyarihan ay masusing nagsasagawa na ng imbestigasyon upang makilala o matukoy ang mga nasa likod nito. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PRO-COR)