Baguion City – Bakun, Benguet – Patuloy ang pagsasagawa ng kampanya laban sa illegal na druga ang mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) sa pamamagitan ng Benguet Police Provincial Office naging sanhi sa pagkasira ng may kabuang PhP192,000.00 halaga ng tanim na Marijuana sa isinagawa pagsugpo ng Marijuana sa probinsiya ng Benguet noong araw ng Martes.
Ayon sa ulat ng Benguet Police Provincial Office (PPO), isang 120-kwandro metrong plantation site natamnan ng 960 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP192,000.00 ang nadiskubre ng mga maykapangyarihan sa Sitio Nantuon, Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet.
Ang lahat ng tanim na marijuana ay isinadokumento muna, binunot at sinunog kung saan ito natagpuan habang ang ilan sa mga ito ay dinala sa Regional Forensic Unit-CAR. Samantala, ang mga maykapangyarihan ay kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon upang malalaman kung may iba pang taniman ng Marijuana sa kalapit na lugar at mahuli ang mga nasa likod nito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PRO-CAR)