Baguio City – Camp Bado Dangwa, La Trinidad – Matagumpay na nagsagawa ang mga operatiba ng Benguet Police Provincial Office (PPO) sa pagkukumpiska ng tanim na marijuana na nagkakahalaga ng may kabuang PhP1,070,000.00 sa magkahiwalay na operasyon sa La Trinidad at Bakun, Benguet noong Araw ng Sabado.
Sa La Trinidad, ang La Trinidad Municipal Police Station (MPS) ay mabilis na tumugon sa isang sumbong mula sa isang concerned citizen tungkol sa kahinahinalang sako na possibling may laman ng bungkos ng pinatuyong dahon ng Marijuana. Ang naturang sako ay natagpuan sa loob ng imburnal sa Japanese Trail ng Brgy. Puguis, La Trinidad, Benguet.
Noong masuri, nadiskubre ng mga may kapangyarihan na ang sako ay naglalaman ng anim ng bungkus ng pinatuyong tangkay ng Marijuana na may bigat na tinatayang 6,000 na gramo na nagkakahalaga ng PhP720,000.00. Sa magkahiwalay na operasyon sa Bakun, Sinabi ng Bakun Municipal Police Station at ng iba pa nilang katuwang tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency-CAR ang nakatuklas ng dalawang marijuana plantation sites sa Sitio Be-ey Manok, Brgy. Kayapa. Ang naturang lugar ay naglalaman ng nakatanim na 1,750 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng PhP350,000.00. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: Pro-Car)
