Baguio: Pulis Benguet nakahuli ng hinihinalang tulak ng druga, at nanunog ng mahigit sa P2.4milyong halaga ng tanim na Marijuana

0
13

Baguio City-La Trinidad, Benguet – Nakaaresto ang pulis ng Benguet Police Provincial Office ng hinihinalang tulak ng druga at nananog ng tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng mahigit sa  P2.4Milyong piso sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa probinsiya ng Benguet. Sa Munisipyo ng  La Trinidad, isang  43-taong gulang na manggagawa ang naaresto ng magkasanib na pangkat ng  maykapangyarihan sa isang buy bust operation sa  Barangay Puguis, matapos siyang magbenta  ng isang pakete ng hinihinalang  Shabu na may bigat na tinatayang  0.40 grams at nagkakahalaga  ito ng Php2,720.00 sa isang miyembro ng operatiba na nagkunwang bibili. Ang suspek at ang nasamsam na ebidensiya ay nasa pangangalaga na ng  by La Trinidad MPS, habang inihanda na ang pagsampa sa paglabag sa R.A. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa kanya.  Samantala, sa Kibungan, ang mga may kapangyarihan ay nakadiskubre ng 20,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may  fruiting tops at  20 piraso ng ganap na laking tanim na marijuana plants na nagkakahalaga ng  Php2,404,000.00 sa kasagsagan ng  marijuana eradication operation sa Brgy Poblacion. Ang lahat natagpuan tanim na Marijuana ay sinunog mismo sa naturang lugar habang ang ilan ay kinuha para dalhin sa  Regional Forensic Unit-CAR sa pagsusuri. Ang mga operatiba ay patuloy sa pagsasagawa ng mahigpit na iimbestigayon upang malaman ang mga nasa likod ng mga ito tulad ng paghahanap pa ng iba pang taniman ng Marijuana sa naturang lugar at ang taong nagtanim ng ipinagbabawal na halaman.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)

 

Leave a Reply