Benguet Province – Matagumpay napuksa ng Benguet Provincial Police Office (PPO) ang mga tanim na Marijuana nagkakahalaga ng PhP180,000.00 sa isang araw na operasyon nito sa Munisipyo ng Bakun, Benguet noong Novembre 23, 2024.
Ayon sa ulat ng Benguet Provincial Police Office ang magkatuwang operatiba ng mga maykapangyarihan na kasama diyan ang Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region (CAR) ang nakatuklas ng 900 piraso ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng PhP180,000.00 sa Sitio Manggaan, Barangay Kayapa.
Ang mga natuklasan na mga tanim na Marijuana ay binunot at sinunog mismo sa naturang lugar habang ang ilan sa mga ito ay dinala sa Regional Forensic Unit-CAR para masuri. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)
(Source: Benguet PPO)