Baguio: Pulis Baguio, hinahanap ang sinuman magpapaputok ng BOGA at ILLEGAL FIRECRACKERS

0
13
photo courtesy of PIO Baguio

 

Baguio City – Nakakumpiska ang Baguio City Police Office (BCPO) ng “boga” o ginagawang pampaingay at ang iba pang paputok sa magkahiwalay na operasyon sa mga barangay dito sa lungsod ng Baguio noong araw ng linggo hangang noong lunes. Tumugon sa ulat na may mga bata na nagpapaputok o noong maliliit na mga paputok sa  East Modernsite barangay, ang mga tauhan ng Baguio City Police Office substation 6 ay nakahuli ng mga minor de edad sa akto at nakakumpiska pa ng dalawang piraso ng  tinatawag na improvised na boga.

 

Sinabi ni BCPO City Director Police Colonel Ruel Tagel na ang mga minor de edad at gayon din ng kanilang mga magulang ay nasibihan na patungkol sa firecracker ban, the silent night ordinance at maging sa  curfew of minors. Anya kanila ng kinausap ang mga opisyal ng barangay na ipatupad ng mahigpit ang ordinansiya sa paputok at maging sa pagbabawal nito. Sa kapareho ding araw, iniulat ng Baguio City Police Office na tatlong operasyon ang kanilang isinagawa. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: Pio Baguio)

Leave a Reply