Thursday, May 2, 2024

Baguio: Programa ng Gobyerno na pagbabakuna tuloy na ginagawa ng Department of Health – Cordillera

- Advertisement -

Magsasagawa ang Department of Health sa Cordillera ng agrisibong pagbabakuna sa iba’t-ibang sektor na nakaligtaang magpabakuna sa panahon ng COVID-19 pandemic upang tumulong na makamit ang layunin na 95 porsiyento na mabakunahan ang lahat ng Filipino sa lahat ng antas ng buhay.

Ito ang sinabi ni DOH-CAR Regional Director Dr. Amelita M. Pangilinan na marami pang dapat gawin upang makahabol ang gobyerno na matamo ang layunin kaya nga ang ahensiya ay pipiliting mahabol ang lahat ng sektor upang isara ang puwang sa pagitan ng layunin at ng mga nabakunahan na mga tao, lalong lalo na ang mga bata at pababa na hindi pa nabakunahan ng pitong kinakailangang bakuna.

Kanyang sinabi na isa sa pangunahing hangarin ng kanilang ahensiya ay makipagtulungan sa pribadong sektor para ang mga doctor ay magsumite ng datos sa Department of Health para sa nabakunahan na upang mapabuti ang vaccination rate ng Rehiyon para sa immunized children mula 15 hangang 20 porsiyento. Sinabi ni Pangilinan na kinakailangan pa na mapabakunahan ang kinakailangang bakuna sa buong yugto ng buhay upang sa ganon ay makaiwas sila sa impeksyon dala ng mga sakit at upang manatili silang malusog.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy by DOH-CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img