Capitol, La Trinidad, Benguet – Ang apat araw na kaganapan ay naglalayong itaguyod at itanghal ang iba’t ibang produkto ng Benguet. Ang naturang trade fair ay upang ipakita ang iba’t ibang MSMEs na tinutulungan ng mga Negosyo Centers ng Department of Trade and Industry Baguio-Benguet at ng iba pang ahensiya ng gobierno.
Ang naturang kaganapan ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mangangalakal na kanilang ipakita at ialok ang kanilang produkto sa madla mula sa iba’t ibang munisipyo at probinsiya.
Di lang ito, sa pagkakataong maipapakita ng mga membro ng MSME ang kanilang nagawa sa pamamagitan ng tulong financial at technolihiya na tulong ng pamahalaan sa kanila.
Magandang pakinabang bilang hanap buhay ng mga taong nagtatankilik sa pamamagitan ng livelihood na programa. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Benguet)
