Baguio: PRO Cordillera Regional Director nagbabala sa magpapaputok na walang habas sa pagdiririwang ng kapaskuhan at ng pagsalubong sa Bagong Taon

0
11

Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet – Pinaalalahanan ni PRO Cordillera Regional Director PB Gen. David Peredo Jr. ang mga kapulisan at ng mga may hawak ng baril na huwag gamitin ang kanilang baril sa pagdiririwang ng Kapaskuhan at ng pagsalubong ng bagong taon.   

Ipinaliwanag ni Peredo ang pamamaril na walang habas ay may parusa ayon sa batas at maari itong masakit ng tao o makapatay sa pamamagitan ng ligaw na bala.

Kanyang idinagdag na ang sinumang mapapatunayang lumabag ng pamamaril na walang habas o indiscrimate firing ay haharap sa parusa.

Ang lalabag sa naturang utos ay may karampatang parusa sa ilalim ng Article 254 of the Revised Penal Code. Ayon sa batas, ang lalabag ay maaring mabilanggo ng di lalabis sa anim na buwan at isang araw at isang araw hangang anim na taon.

Kanyang idinagdag na ang mga may-ari ng baril ay maaring magtungo sa lisensiyadong shooting range at sila ay papayagan na gamitin ang naturang shooting range nasa Camp Bado Dangwa upang subukin ang kanilang baril at magpractical shooting na rin. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PRO-Cordillera)

 

Leave a Reply