Friday, May 3, 2024

Baguio: PRO Cordillera COPs nakasabat ng mahigit sa 2.7M na halaga ng tanim na marijuana

- Advertisement -

Ang kapulisan ng PRO Cordillera ay nakadiskubre ng kabuang halaga ng Php2,790,000.00 ng tanim na Marijuana sa mga probinsiya ng Benguet at Mountain Province noong Linggo Abril a 14 ng taong ito. Ito ay resulta ng patuloy ng operasyon ng marijuana eradication na isinagawa sa Rehion ng Cordillera.

Ang mga 800 piraso ng ganap na laki ng tanim na marijuana na nagkakahalaga ng Php160,000.00 ay nadiskubre o natagpuan sa Sitio Lambi, Brgy Kayapa, Bakun, Benguet, habang ang 13,150 piraso nito na nagkakahalaga ng Php2,630,000.00 ay natagpuan sa Mount Takchagan, Brgy. Saclit, Sadanga, Mountain Province.

Ang lahat ng nadiskubreng halaman ay binunot at sinunog sa nasabing lugar ng mga operatiba habang isinasagawa ang pagtugis sa mga nagtanim nito. (Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)

(Source: PNP Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img