Sunday, April 28, 2024

Baguio: PRO-COR sinunog ang P21M na halaga ng marijuana plantation sa Benguet, Kalinga at Mt. Province

- Advertisement -

Camp Bado Dangwa, Benguet – Muli naman binigo ng Kapulisan ng PRO Cordillera ang pagnanais ng tulak ng druga makapagparami ng tanim na marijuana at maglagay ng panganib sa mga gumagamit nito.

Ang Kapulisan ng Cordillera Region ay nakadiskubre at sinunog ang mga tanim na marijuana na nagkakahalaga ng mahigit sa P21 million sa mga probinisya ng Benguet, Kalinga, at Mountain Province.

Ayon sa ulat natanggap ni Regional Director, PB Gen David K. Peredo, Jr., na ang isinagawang Marijuana Eradication Operations ay isinagawa mula Marso a 13 hanggang a 14 ngayong taon.

Sa probinsiya ng Benguet, ang magkatuwang na operatiba mula sa iba’t ibang yunits ng Benguet Police Provincial Office (PPO) ang namunot ng 9,165 pirasong na may kabuang ganap na laking tanim na Marijuana at 116,000 pinatuyong tanggay ng Marijuana stalks ang natagpuan sa 15 tagong plantasyon sa mga barangays ng Tacadang at Badeo sa munisipyo ng Kibungan at sa Barangay Kayapa sa munisipyo ng Bakun.

Samantala, sa probinsiya ng Kalinga, ang mga operatiba ng anti-illegal drug ng Kalinga Police Provincial Office ang nakadiskubre ng 17,940 fully grown na Marijuana Plants sa mga Barangay Buscalan at Loccong sa Tinglayan, habang ang operatiba ng Mountain Province PPO ay nakasamsam at nanunuog ng kabuang 8,500 piraso ng mga ganap na laking tanim na Marijuana sa Barangay Saclit, Sadanga sa naturang probinsiya.

Ang mga operatiba ay patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ukol sa pagkakakilanlan at paghuli sa mga taong nasa likod ng pagtatanim na ipinagbabawal na halaman sa rehion. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: Camp Bado Dangwa | PIA Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -