29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Baguio: PRO-Cor nagtalaga ng 2,308 kapulisan para sa ligtas na Mahal na Araw at Summer Vacation sa Rehion Cordillera

- Advertisement -

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Ang Police Regional Office Cordillera (PRO Cordillera) sa pamamagitan ni Regional Director, PBGen David K. Peredo Jr., ang nag utos sa pagtatalaga ng may kabuang 2,308 kapulisan sa buong rehion upang makangalagaan ang kaligtasan ng mga taga rito at maging ng mga bisita.

Upang mapamahalaan ang pagdating ng mga bisita, ang kapulisan ng PRO Cordillera ay magtatalaga ng mga tao nito sa mga pangunahing kalsada at mga bus terminals upang makapagbigay ng tulong at mapanatili ang kaayusan, lalong lalo na sa pagdating ng mga pasahero sa iba’t ibang bus terminal na nagnanais na umuwi ng kanilang probinsiya sa mga susunod na mga araw.

Bilang karagadagn, sinabi ni Police General Peredo na ang mga kapulisan ay itatalaga sa matataong lugar tulad ng mga malls, parks, markets, at mga bahay sambahan upang lalo pang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko at ang kaayusan doon.

Ipinag utos din ni PBGen Peredo Jr. na isagawa ang kanilang planong pang sekuridad, lalo na sa pinaigting na police patrols, checkpoint operations, at traffic management.

Inatasan din niya ang kanyang Provincial Directors at City Directors na makipag ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobierno lalo na sa mga Local Government Units, upang matiyak na ligtas ang publiko sa kani kanilang areas of responsibility.

Bilang karagdagan sa police personnel, 353 katao na bumubuo ng Reactionary Standby Support Force at mga volunteers, ang itatalaga bilang supplementary security measures sa panahon ng Semana Santa. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PRO-Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -