Baguio: Pondong 3 million pesos inihahanda na para sa pagsasaayos ng mga traffic lights sa munisipyo ng La Trinidad

0
13

La Trinidad, Benguet – Naglaan na ang lokal na gobierno ng La Trinidad, Benguet ng tatlong milyong pisong pondo para sa pagsasaayos ng mga traffic lights sa naturang munisipyo.

Ito ang inihayag ni La Trinidad Mayor Romeo Salda kasunod nang isinagawang pagpupulong ng board sa Traffic Management noong nakaraang linggo.

Ayon kay mayor Salda, umaabot sa labing pitong signal lights na may ibat ibang diameter ay kinakailangan nang mapalitan at ganon din na dapat nang bumili ng karagdagang pang signal lights upang mailagay sa mga tawiran o ang tinatawag na pedestrian lane. Kanyang idinagdag na bahagi ang nasabing pondo sa paglalagay ng bakod at islands sa mga kalsada na inaasahang maisasagawa ngayong taon.

Sa kaugnay nito, pinapurihan ni Mayor Salda ang La Trinidad Municipal Police dahil sa patuloy na hakbang nito upang mabigyan ng solusyon ang lumalaang trapiko sa naturang munisipyo. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

Leave a Reply