Baguio: Police Brigidier General David Peredo Jr., at mga kasamahan na pulis nag bisita sa lugar na daanan ng Panagbenga grand street parade at float parade 2025

    0
    18

    Baguio City –  Bago isagawa ang masiglang  Grand Street Parade ng  Panagbenga Festival 2025 noong araw ng Sabado, Sina Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) Regional Director, PBGEN David Peredo Jr., at ang kanyang  Deputy Regional Director for Operations, PCol Julio S. Lizardo ay nagsagawa ng  ocular inspection sa kahabaan ng Session Road upang tiyakin ang kahandaang pangseguridad. 

     

    Sa kasagsagan ng inspeksyon, nagbigay ng briefing si Baguio City Police office City Director Police Colonel Ruel D. Tagel kay  PBGEN PEREDO, JR, at  PCOL LIZARDO hinggil sa kasalukuyang planong pagtatalaga ng mga kapulisan.  Sinubukan din ng mga tatlong opisyal na makipag usap sa mga taong nakatalaga doon, upang tignan ang kanilang kahandaan at unawain ang kanilang papel sa pananatili ng kaligtasan pampubliko at seguridad sa kasagsagan ng parade. Samantala, binigyang diin ni PBGEN PEREDO, JR. ang kahalagahan ng kanilang presensiya sa pangangalaga ng libu libong bisita at ng mga kasali  sa pagtangkilik ng kasiyahan isinagawang Panagbenga 2025. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe\source: PIO Baguio)

     

    Leave a Reply