28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Baguio: Pitong farmers organization sa Benguet naging benipisiaryo ng Zero-Interest Loan Assistance

- Advertisement -

La Trindiad, Benguet – Nakatanggap ang mga pitong farmers organization ng financial assistance mula sa lokal na gobierno ng Benguet. Ito ay sa ilalim ng zero-interest loan program bilang tulong para sa farm business ng mga magsasaka.

Ayon kay Silver Pilo, ang Information Officer ng opisina ng gobernador, ang mga tumanggap ay ang La Trinidad Livestock Entrepreneurs Agriculture Cooperative, Taloy Sur Farmers Association, at Cattubo Multipurpose Cooperative. Nakatanggap ang mga ito ng tag lilimang daan libong piso para sa swine-raising production ng mga ito.

Samantala sa bahagi ng Pilando Gambang Farmers Cooperative din sila ng kalahating milyong piso para sa negosyo nila.  Nagkakahalaga ng P300,000 ang naibigay sa Pinaljok-Duhot Waterworks Ni Umili Gardeners Association at P500,000 ang natanggap ng Lubo Farmers Agriculture Cooperative upang lalo pang mapaganda ang crop production nito.

Ang Ekebbajan Rural Improvement Club ay nabigyan ng P100,000 para sa rice-retailing project nila.  Ang financial assistance turn-over ceremony ay pinangunahan ni Benguet Governor Melchor Diclas. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Benguet)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -